Sunday, July 4, 2010

B'yahe Tayo

Saan nga ba nagsisimula ang katagang "byahe na ako?" Sa panahon na umalis ang sasakyan mula sa terminal? Sa pag-aabang pa lang ng parating na dyip? O kapag natataranta ka sa mga tanong ng taong katagpo at sasabihin mong nasa byahe ka na kahit papasok ka pa lang ng banyo para maligo? Mayroon din namang nagsasabing "byahe na ako" kahit nakarating na sila sa kanilang pupuntahan.

Sanay ako sa malayuang pagba-byahe. Ang tanging kinaiinisan ko lamang ay ang lumang amoy ng mga kurtina sa isang airconditioned na bus at mga tumutulong (oo, tumutulo parang ambon) na mga air conditioner. Kung hindi ako nagmamadali o may hinahabol akong oras ng pagkikita, wala akong problema na maipit sa trapiko, kahit sa isang mainit, luma at sinusurot pang dyip ako nakasakay. Naalala ko noon sa isang training para sa isang call center, tinanong kami ng trainer kung anong gusto namin sa "travelling." Maraming sumagot ang culture ng pupuntahang lugar, ang tourist spots, at ang kanilang vacation extravaganza. Noong tinanong ako sa aking palagay, sinabi ko ang mahabang byahe. Mas excited ako sa byahe kaysa sa pupuntahang lugar.

Sa byahe, may panahon ka para magmuni. Marahil isipin ang mga bagay na plano o nakalimutang gawin, mga salitang nais sabihin o bawiin. Tuwing mahaba ang byahe, doon naglalaro ang malikot kong imahinasyon, nagkakaroon ng isang internal ng pelikula. Sa pagitan ng itlog ng pugo, limang pisong mani o hopya, kung kani-kaninong istorya ng buhay ang nabubuo ko. Depende sa mood at depended na din sa kung ano ang tumutugtog sa malakas na radyo ng sasakyan, maaring maging action, love story o drama ang takbo ng aking pelikula. Minsan hindi din maiwasan na maging tila isang animation ang pelikula.

Pero kung mayroong telebisyon ang bus, ibang kwento yan. Para sa akin may dalawang uri ng pelikula sa bus: una, pelikula ni FPJ, Lito Lapid, Rudy Fernandez, et. al. at pangalawa, ang mga pelikulang hindi lumabas ang mga nasabing artista. Minsang naisipan kong bumuli ng isang pirated DVD sa palengke dahil gusto kong panoorin ang Shrek. Hindi ko na tiningnan ang iba pang mga pelikulang laman ng DVD dahil nakita ko naman na kumpleto ang paborito kong green creature. Tiningnan ng ate ko ang DVD at matapos makita ng kapatid ko ang listahan ng mga pelikula, "Wow, bus movies," aniya. Nakakunot kong tiningnan ang listahan ng mga pelikula at puro mga dumating na alien, sumasabog na sasakyan at puro mga naka-leather jacket ang laman ng DVD. Bakit nga ba halos mga action movies ang ipinapalabas sa bus? Marahil dahil lalaki ang konduktor at driver. Mayroon kaya itong kinalaman sa palala at padaming bilang ng mga aksidente ng mga bus? Mahirap sisihin ang dalawang patay na action heroes at isang senador.

Bukod sa pelikula, kakaibang karanasan din ang pagkakaroon ng "katabi" sa bus. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagising na nakahilig sa isang katabi na hindi ko naman kilala. Minsan na akong nagising na nakahilig sa balikat ng isang mama (oo, mama, dahil parang nasa mid-40s na siya) at nakahilig din naman siya sa akin. Parang pelikula lang.

Naalala ko noong umuwi ako matapos ang halos isang linggong pagpupuyat sa Maynila, para akong manok na umiikot ang ulo, ilang beses akong nauntog sa salamin pero diretsong tulog pa din. Naawa yata sa akin ang nanay na katabi ko at inalok akong matulog sa balikat niya. Naranasan ko na din ang biglang magising sa bus matapos marinig ang sarili kong paghihilik. Isang beses na din akong may narinig na pasaherong sumigaw sa kalagitnaan ng South Luzon Expressway dahil nananaginip siya.

Sa sobrang dali kong makatulog, dahil na din sa kakaisip, habang nasa byahe; ilang beses na din akong bumababa sa gitna ng kawalan. Ibig sabihin, nakalampas o kaya malayo pa lang sa dapat kong bababaan ay nakababa na ako. Kaya palaging sinisigurado kong may dala akong extra na pamasahe. Dahil hindi ko alam kung saang kangkungan ako makakarating.

Maraming mga dahilan kung bakit mas gusto ko ang bumiyahe. Hindi ko na iniisip kung lalapad ang pwet ko matapos ang mahabang paglalakbay. Dahil para sa akin, at kung tutuusin naman talaga, mas hitik ang paglalakbay kaysa sa destinasyon.


Labels: , , , ,

Sunday, February 14, 2010

Condemned!

Ayon kay Merriam-Webster ang salitang condemned ay nangangahulugan na ang isang lugar ay "adjudge unfit for use or consumption." Kung gayon, ang isang bahay o pabahay ay hindi nararapat tirahan lalo pa't mas delikado ang lumagi doon kumpara sa tumawid ka ng naka-blindfold sa South Luzon Expressway. Kumbaga sa pagkain, panis o expired. Pero paano kapag wala ka ng ibang kakainin? Mapipilitan ka din namang kumain ng panis o kumain ng pagpag di ba?

Noong isang araw ko pa nabalitaan ang tungkol sa kundenadong pabahay ng Vitas-Katuparan. Matagal na panahon na mula noong nabisita ko ang lugar na yon. Pero hindi ibig sabihin nakalimutan ko na ang mga eskinita, ang amoy, at mukha ng mga taong naroroon. Naiisip ko nga na marahil wala namang ipinagbago ang lugar na yon, malamang ang lumala pa nga dahil na din sa matinding pinsalang dala ng kasalukuyang administrasyon sa sosyo-ekonomikong kalagayan ng mga mamamaya. Isabay mo pa ang mga natural na kalamidad. Nasundutan pa ng isang balita na mayroong isa pang tenement sa Sta. Ana na itinuturing na rin na kundenado.

Ngayon tatanungin ko kayo HUDC at NHA. Sino ba ang gustong manatili sa isang pabahay na walang hagdan, walang maayos na palikuran, napapaligiran ng masangsang na amoy? Sa tingin niyo, hindi man lang kaya naisip ng mga residente ang kahihinatnan nila kung sakali mang lumindol lalo na at kaya mong magsipit ng isang makapal ng notebook sa mga malalaking bitak sa five-story building?

Kaya maling sabihin na usual ng dahilan ng mga residente ng mga condemned na building na ito ang kawalan ng maayos na relokasyon at kalayuan ng lugar na paglilipatan. Dahil hindi usual yon, isang malaking bagay na patuloy niyong hindi maiintindihan kung ang tanging nasa isip niyo lang ay mangolekta ng bayad buwan-buwan mula sa mga low-cost housing na ito at ikandado ang kanilang mga yunit kung hindi sila nakakabayad. Hindi usual yon para sa mga taong ang pangunahing pinanggagalingan ng kanilang ikabubuhay ay pangangalakay ng basura, pakikipagpatintero sa mga MMDA sa bangketa; at paglalako at pagtitinda. Usapin ito ng araw-araw nilang panglaman sa kanilang sikmura.

Hindi na lamang ito usapin ng pabahay. Kung natatamo lamang ng mayorya ng taumbayan ang batayang karapatan, hindi na kinakailangang tumira pa sa mga bitak-bitak, binabaha, walang tubig-kuryente, earthquake at fire prone na mga pabahay. Dapat nga kayo ang i-condemn, isama na rin ang kasalukuyang administrasyon.

Sa ganitong sitwasyon, na inuna ng gobyerno ang pagbabayad ng utang na hindi naman natin napakinabangan, pondo ng militar na hindi naman tayo naipagtanggol kahit kelan kaysa sa serbisyo, lupa, trabaho at iba pang karapatam, masisisi niyo ba kung sumama kami sa rali, maging miyembro ng pangmasang organisasyon o para sa iba ay dalhin sa mas mataas na antas ang pakikibaka?

Naalala ko tuloy ang kanta ni Gary Granada..

Maghapo't magdamag silang kakayod, kakahig
Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig
Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay
Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay

Labels: , , , ,

Monday, October 19, 2009

apokalipse

may apat na lalaking nakasakay sa mga kabayong puti
sasalantahin ang ilang taong nagbubungkatl ng lupa
at nagpapanday ng maso
tutulo ang pawis mula sa batok, leeg, kilay at kili-kili.
darating ang araw ng paghuhusga,
dadalhin sa tapat ng isang hukom
na walang tainga at mata.

pagkatapos

sasabog ang mga bituwin
liligkisin ng nagbabagang dila ng araw
ang anumang bagay na kanyang naabot.
hihigupin ng espasyo ang mga dilim at liwanag
bibilis ang pag-ikot ng mga planeta
at maglalakbay sa ibang mga orbit
na hahantong sa nakabibinging pagsabog.

Labels: , ,

Wednesday, October 14, 2009

sapagkat ang paghihintay ay kakambal ng wala

ang pangangalumbaba ay kasabay ng pagtingin sa ulap
ang pagmumuni-muni ay kaunabay ng pagbulong sa hangin
ang sigarilyo kahit hindi hithitin ay nagiging upos pa din
sapagkat ang paghihintay ay maaring maging kakambal ng wala.

hihintayin mo ang yabag ng mga paang nagmamadali,
ngunit ang maririnig ay kalesa lamang na dumaraan.
wari mo'y may kamaong kakatok sa pinto,
pero ang iyong kapitbahay lamang pala na naiwan ang kanyang susi.
makikiramdam ka sa pag-ikot ng siradura,
ngunit hindi ito natitinag.
sapagkat ang paghihintay ay maaring maging kakambal ng wala.

sa pagsasanib ng mga bundok at araw,
huhugutin mo ang lumang kumot, itatabi ang natirang ulam at kanin.
maghahanap at maghihintay ka ng bulalakaw,
dahil hihilingin mong sana, bukas,
ang paghihintay mo ay walang kakambal na wala.

Labels: ,

Saturday, September 12, 2009

A Different Day

She can't remember how long she was staring at the door. The white washed wood with traces of age and old graffiti is opening to her, beckoning her to come in. But she feels like there were stones on her feet. She looked around the façade of the old house. How long has it been? Seven? Nine? No, it’s more than a decade. But everything was coming back like it happened yesterday.

“Tomorrow will be a different day,” her father told her. He was looking at the newly-painted white door. He painted it yesterday. “Tomorrow we will be standing in the waterfront waiting for a ship that would take us to Manila,” her father continued. “You do not have enough time to say goodbye to friends or to your nanay.”

She wanted to say goodbye to nanay. In the middle of the night she silently climbed the window and visited the cemetery. She was whispering to her mother’s tombstone, a whisper as soft as the wind touching her hair. “Nanay, tomorrow is a different day. We will be in the waterfront waiting for a ship. Nanay, can you come with us?” She was whispering so low that the wings of fluttering night birds can be heard clearly. She was waiting for a reply but none came. After a moment, she decided to stand up and go home. She kissed the ice-cold tombstone before running home.

She slipped into the window and under her thin blanket. She looked over her father’s profile. He was still snoring. She smiled secretly and thanked her stars for watching over her.

It was only after a few minutes of closing her eyes when she heard loud banging on their door. There were voices of men outside calling her father’s name. Her father quickly got up and shook her. He looked at her hard, “Hide in the silong. Go through the kitchen. Wait for me. Never leave the silong until I fetch you.” She nodded and quickly went to the kitchen. She lifted the trapdoor under the rice can. Beneath the floors, she fearfully hid behind the rice sacks and stacks of firewood.

She could hear her father opening the white door. She could hear voices but nothing was clear. Her father was angry, so were the voices outside. The chickens behind her clucked, she saw a pair of combat boots walking around. She held her breath. She will not come out until her father comes for her. The muddied combat boots stepped on a cigarette butt before moving on.

She heard her father’s voice again, now she could hear clearly. “That’s not true and I am not going with you.” She heard something falling, maybe a picture frame. Then she heard a loud bang. Another bang. A moan. Heavy feet leaving. A moan. Then, silence.

She was still huddled behind the rice sacks a few hours later. A neighbor found her there when the chickens would not stop clucking. She refused to come out. “My tatay will come. I promised tatay I will not go out until he comes for me.” It took three men to remove her grasps from the rice sacks and wood. Police approached her and asked her if she saw anything. She does not know. All she remembered was visiting her mother and the noisy and angry people from last night. "Was it my fault?" she asked the policeman. "I sneaked out of the house last night to visit nanay, " she whispered.

She was standing under the mango tree when she heard. “Such a pity. The father was killed by armed men last night. Nobody knew who killed him,” said her neighbor that owns the store a block away. Another lady whispered, “He should have seen it coming, going against Don Domingo was never a good idea. The Don is a close friend of the military general here." The lady who owns the store whispered back, “I don’t know, it was not just his land he’s fighting for, you know. I heard that they were suppose to go to Manila today to bring the farming land problem to a government department there. He was fighting for the rest of us.”

That is when she realized that her father, a peasant leader, was killed by armed men. She looked around and saw the rice fields, the palay was dancing against the wind. The palay was no longer green, in her five-year old eyes, they became red. “Today is a different day,” she whispered to herself.

Her aunts took her in. They took turns taking care of her but she does not know what happened to her. Everything was in red. Different hues of red. Even the faces are all in red. In school, she was always made fun of because she keeps on mixing up the colors of the flag. Later on, she took pains in learning to read and memorize the different labels of the crayons so she will know their color and what color should go for each part of the flag.

It was two years after the death of her father, when people from Manila arrived. There were women and men who brought toys, books, food and clothes for the people in the community. They look so smart to her because they were all wearing eyeglasses. They gathered little children and asked them to draw their families.

She saw what the other children were drawing, tombstones, a crippled man, a burning house. A nice lady asked her where are their parents, there are many who said at home while a handful who said they were killed. She looked around the group of children and the nice people. She is not alone anymore. She is no longer under the silong. She started to see colors again.


She touched the old white door. There were already holes on it. Maybe termites, maybe bullet holes. She looked at the nearby palayan. It was no longer in red like that faithful day. It was in its usual color green. She took a deep breath and went inside. It was exactly fifteen years since the last time she put her foot inside. Everything was dark inside. She opened the nearest window and saw that everything was the same. The mantelpiece still has the pictures but was missing one. She climbed the short stairs and went to the bedroom and saw that the pillows and the banig are still on the papag. Dust and dirt coating the things inside the house.

She started to move towards the door when she noticed a black patch on the earth. She knelt down and touched the dark stain. It felt wet on her hands. She closed her eyes and whispered, Today is a different day Tatay. Somebody called for her outside, “Hey, the children are already in the hall for the group counseling.” She stood up and whispered to the wind, Padayon, tatay, padayon.

Labels: , , , , ,

Thursday, September 10, 2009

ang mangingibig at kape (2003)

Kapeng Barako

Una muna'y pinili mo akong parang butil ng kape
Mula sa kaban ng iba pang mga butil na nagpupumilit makuha ang iyong atensyon
Pinili mo ang kapeng walang sakit, makinis at mabango.
Nagiling ako sa iyong mga halik, yakap at matatamis na salita.
Naging isang galpong tila handa ng timplahan.
Dahan-dahan mo akong isinalang sa kumukulong tubig.
Nang relasyong hindi lamang iisang beses napaso
Nasunog, dahil sa init ng pagdurusa.
Isinalang at inilipat mo ako sa isang munting tasa
Binawasan ko ang aking pagkatao para pagkasyahin
sa isang maliit na lalagyang walang hugis.
Paulit-ulit mo akong tinikman.
Paulit-ulit ko ring ibinigay ang aking sarili.
Ngunit noong latak na lamang ang natira sa takure
at ubos na ang galpong bagong giling,
Hindi mo na pinakuluang muli ang init ng pagsasama.
Bagkus at itinapon mo ang latak sa bintana.

Labels: , , ,

tula ng pag-ibig..

isang tula ng pag-ibig, sinulat ng taong 2003

Hindi Cliche

Ipinid mo muna ang iyong mga labi
hayaang makapangusap at magkaunawaan tayo
sa mga patlang, at hindi sa mga salitang
Naririnig ko ng paulit-ulit
Sa pelikula, sa telebisyon, sa nobelang inilalako sa bangketa.
Hindi ko hinihinging bagtasin mo
Ang dagat, ang bundok at abutin ang mga ulap.
Hindi ko rin hinihiling na awitan mo ako
Ng mga kantang pinatutugtog sa radyo,
sa dyip, sa traysikel, sa mall.
Hindi ko inaasahang dalumatin mo
ang mga bugtong at tanong na hindi masagot ng mga pantas.

Nais kong makabuo tayo ng mga salitang
nabuo natin sa pagtatagpo ng ating mga mata.
Nais kong punuin ng sarili nating himig ang hangin,
at hindi mga malulungkot na kwento
ng mangingibig na iniwan at sinaktan.
Pagkat doon malalaman natin na hindi tayo nagkakamali.
Sapagkat, ikaw ay ikaw. Ako ay ako.
Bago pa man tayo nagtagpo.

Labels: ,