Thursday, September 10, 2009

hintayan

umiikli na ang pasensya ko. ang dating mahaba kong pisi (na pwede mo pang gamitin para makapagpalipad ng saranggola), ngayon ay kasing haba na lang ng pilikmata ko. siguro sa dami na rin ng hinintay ko na hindi dumating, sa mga texts na wala namang nagreply, sa expectations ko na hindi naman naabot. maraming mga factors. minsan gusto ko nga magwala, mga "#*!$%^!". pero siyempre hindi ko magagawa yun. at pinipilit ko pa ring magtimpi.

sa dinami-dami ng mga hinintay ko, mayroong akong mga bagay na napansin.

marami ka palang naiisip kapag naghihintay ka. iisipin mo kung nasaan na ang hinihintay mo, karo ba ng patay ang sinakyan niya? Iisipin mo na din kung anong sasabihin mo sa kanya kapag nagkita kayo, mumurahin mo ba siya, ipapahiya, hindi ka magsasalita? pangatlo, iisipin mo kung anong gagawin mo mamaya, bukas o kung ano man ang ginawa mo kahapon.

kakayanin mo ngang balikan ang sinabi mo sa matalik mong kaibigan noong una kang datnan ng regla, pero siyempre depende yun sa gaano ka ba katagal ng naghintay. halimbawa, kapag 30 mins pa lang late ang kausap mo,maiisip mo ang sinabi mo noong nakaraang linggo. kapag 3 oras (na pinakamatagal ko ng karanasan), naalala mo na siguro yung panahong nagdadalaga ka at ang mga una mong crush.

sa pagbalik mo sa nakaraan, maiisip mo, sana hindi ganito ang nangyari, dapat ginawa ko ang ganito, dapat pumunta ako, dapat sinabi ko to. sa madaling salita, pagsisisi. maraming drama. maraming sana. "tama na ang disappointments, lalo ka lang nadedepress," sasabihin mo sa sarili mo. kaya ang gagawin mo,ibaling sa mga tao sa paligid mo ang atensyon. hindi sila bagay ng nyowa nya, mukha siyang pugo, para siyang hipon, kapag nakakita ka ng mataba ay sabay tanong sa sarili "ganoon na ba ako kalaki?" hindi bagay ang neon green sa taong maitim, wala kang palalampasin. kaharap. katabi. nasa likod mo. kahit yung nakiraan lang. tsk.tsk. mmaiisip mo ulet, "ang ganda ko ah," kaya magdedesisyon kang tumigil na lang.

kung hindi ka ganito, malamang mahilig kang magdala ng libro, magdala ng walkman (na mp3, mp4, shuffle at kung anu-ano pa!), o kaya tulad din ng ginagawa ko minsan ay matulog. o kaya’y katulad ko din na nagsusulat tungkol sa paghihintay habang naghihintay.

marami ka namang pwedeng gawin habang naghihintay ka para maaliw ka. ang susi kasi, kapa alam mong talagang late ang kausap mo, gawin mong isang oras ng maaga ang sasabihin mo sa kanya. nagtatagumpay minsan (depende sa sitwasyon at tao) ang taktika na to.

pero sa kabila ng lahat (kahit mahigit isang oras ka pang naghihintay) sa pagdating niya, mawawala ang litanyang niluluto mo sa bibig. ang mga bagay na kanina mo pa pinaplanong sabihin ay bigla mo na lang malululok.

maiisip mo din kasi, buti na lang walang nangyaring masama sa kanya at tinanghali lamang siya ng gising.

Labels: ,

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

english please

September 19, 2009 at 12:24 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home