Thursday, September 10, 2009

matandang tula para sa isang matandang alaala

taong 2003, ang akin una at huling pagtatangka na maksulat ng villanelle,

3310

tinext kita, hindi ka sumasagot
tinawagan kita, patay ang teleponon mo
naghihintay ako, kahit isang text lang, kahit isang missed call.

nalaro ko na ang kombinasyon ng numero sa keypad
naitaya ko na ito sa sweepstakes at lotto
tinext kita, hindi ka sumasagot.

nakapaglaro na ako ng space impact at snake II
ako na rin ang nakakuha ng top score
tinatawagan kita, patay ang telepono mo.

naubos ko na ang baterya, nakapagcharge na ulit
pinalitan ko na ang keypad, ang logo, pati housing
tinext kita, hindi ka sumasagot.

natalo na ako sa sweepstakes at lotto
hindi na rin uso ang unit ng cellphone ko
tinatawagan kita, patay ang telepono mo.

wala na akong load, pambili wala na rin
hindi na ako makatext, hini ka pa rin sumasagot
hindi na kita matawaga, patay pa din yata ang telepono mo
pero naghihintay ako, kahit isang text lang, kahit isang missed call.

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home